Wednesday, December 14, 2011

tintang asul

wala ka nang maisulat.
pagod.
sa kaaasa.
sa kawalang-pag-asa.

marami ka nang naisulat,
mga papel na binahiran
ng pag-ibig
at nagsiliparan,
tangay,
tangay,
tangay ng mga lumipad na panaginip.

mga halik na dumampi
sa piling pahin ang buhay,
hanggang matuyo ka
at wala ka nang maisulat-
wala.

No comments:

Post a Comment