Tuesday, August 13, 2013

Pakitang-Gilas


Matapos ang higit tatlong dekada, muling pumasok sa FIBA World Cup ang Pilipinas matapos masungkit ng koponang Gilas Pilipinas ang pangalawang pwesto sa FIBA Asia Championships nitong nakaraang Linggo.

Bagama't yumuko ang koponan ni Coach Chot Reyes sa mga higante ng Iran na nag-uwi sa gintong medalya, hindi maitatangging malaking karangalan ang naiuwi ng koponan dahil taong 1978 pa ng huling nakapasok ang Pilipinas sa World Cup.

Bumuhos ang pagbati ng mga Pinoy sa malaking karangalang naiuwi ng mga manlalarong Pinoy sa harap ng sariling bayan. Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ay nagpaabot ng personal na pagbati at suporta nang manuod ito sa huling laban para sa kampeonato ng Gilas.

Nakatakdang ganapin sa Spain ang FIBA Asia World Cup sa 2014.

No comments:

Post a Comment